Pabor si Senador Francis Tolentino sa mga rekomendasyon na ibalik ang pagmamandato ng pagsusuot ng face mask bunsod ng bahagyang pagtaas ng positivity rate sa COVID-19 partikular sa Metro Manila.
Sinabi ni Tolentino na makabubuti ang suhestyon lalo na sa gitna ng pagsulpot ng bagong variant ng COVID-19 na ‘Arcturus’ variant.
Ipinaalala pa ng senador na isa sa mga sintomas ng variant ay parang sore eyes na kadalasan ding lumalabas na sa sakit kapag tag-init.
Kasabay nito ay pinag iingat at pinaalalahanan ng senador ang publiko na maging alerto sa bagong variant na lalo na sa paghawak sa mata.
Nitong Abril, una nang naitala ng DOH ang unang kaso ng COVID-19 Arcturus variant sa bansa. —sa ulat ni Dang Garcia