Mayorya ng mga Pilipino ang mas gustong magbayad ng cash on delivery kapag namimili sa online, patunay na marami pa ring consumers ang walang tiwala at nababahala sa mga negosyante sa virtual space.
Batay ito sa isinagawang survey ng tech-enabled research firm na Agile Data Solutions Inc., na nag-draw ng data mula sa kanilang mobile application platform na Hustle PH na may sample na 300 respondents sa buong bansa.
Nabatid na 71% ng online shoppers ang nais ng COD bilang kanilang primary payment method habang 14% lang ang naghati-hati mula sa iba’t ibang paraan ng pagbabayad sa online.
Samantala, ang mga app wallet gaya ng e-giants na Shopee at Lazada, ay nakakuha ng 6.5% at 6%.
Ipinaliwanag ni Agile Data Solutions Founder Jason Gaguan na ang COD payments ay nagbibigay ng sense of security para sa mga consumer at mahawakan muna nila ang kanilang pera hangga’t hindi nila natatanggap at nai-inspeksyon ang inorder nilang item. —sa panulat ni Lea Soriano