Umapela si Agri Party-List Rep. Wilbert Lee sa pamahalaan na palakasin ang pamumuhunan sa agriculture sector para tulungan mai-angat ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay Lee, base sa 2021 Poverty Statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumabas na pinakamahirap ang hanay ng mga mangingisda at magsasaka.
Dahil dito, hinikayat ng mambabatas ang Marcos administration na buhayin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng modernisasyon para umangat din ang trabaho at tumaas ang kanilang sahod.
Aniya, kaakibat ng pag-unlad ng bansa ang agrikultura kung kaya’t nanawagan si Lee sa mga kabataan na ipagpatuloy ang pagsasaka bilang tugon sa posibleng kakapusan sa susunod na 12 taon. —sa panulat ni Jam Tarrayo