Muli na namang dadagsa ang mga Chinese tourist sa bansa dahil sa pagbabalik ng group visa at e-visa applications simula April 10.
Ayon Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz, posibleng dumami ang tourist application bago ang May Day Holiday dahil gustong-gusto aniya ng mga Chinese ang tropical weather at beaches dito sa Pinas.
Aniya marami na rin kasing accredited travel agencies ang nagsimulang mag-avail ng group travel visa application ng 10 hanggang 20 katao.
Sinabi naman ni Philippines’ Department of Tourism (DOT) Northern China Attaché Erwin Balane na noong nakaraang taon, pang 13 ang China sa “source of tourist” sa pilipinas at umakyat pa sa pang pito sa unang kwarter ng 2023.
Dahil dito, inaasahan ng DOT na aabot sa 500,000 chinese tourists ang bibisita sa Pilipinas matapos luwagan ng Chinese government ang pandemic restrictions pagdating sa pagbiyahe sa ibang bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo