Nagbabala ang United Nations (UN) sa posibleng pagkakaroon ng mass exodus sa bansang Sudan kung hindi pa rin titigil ang kaguluhan sa bansa.
Ayon sa UN, patuloy pa rin ang nagaganap na labanan ng Sudanese army at ng paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF) kahit na may ipinapatupad na ceasefire.
Sa datos, pumalo na sa 528 katao ang nasawi at halos 4,600 ang nasugatan dahil sa nangyayaring digmaan.
Dahil dito, tiniyak ni United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) Chief Filippo Grandi na handa naman ang kagawaran na maglikas ng nasa 800,000 na residente sakiling hindi huminto ang kaguluhan.
Samanatala balik operasyon na ang World Food Programme para magbigay ng tulong sa mga naapektuhan, matapos malagasan ng ilang miyembro. —sa panulat ni Jam Tarrayo