dzme1530.ph

COVID-19 vaxx requirements ng US para sa international travelers, tutuldukan na sa May 11

Pormal na ring tatapusin ng Estados Unidos ang COVID-19 vaccination requirements para sa international travelers at federal workers sa May 11, kasunod ng pagtatapos ng Coronavirus Public Health Emergency.

Ayon sa pahayag ng White House, bagamat mahigit isang milyon ang namatay dahil sa COVID-19 ay tapos naman na ito at inalis na rin ang paghihigpit o restrictions sa bansa.

Sa datos ng us health minitry, Enero 2021, nang bumaba ng 95% ang COVID-19 fatality rate at 91% naman ang ibinaba ng hospitalization rate sa us.

Isa anila sa pinakamalaking rason ng development na ito ay ang malawak na vaccination campaign at ang paghihigpit na ipinatupad sa mga dayuhang papasok at lalabas ng kanilang bansa.

Matatandaang, Abril nang pormal na wakasan ni President Joe Biden ang higit sa tatlong taong National Health Emergency sa US kabilang ang paglalabas ng pondo para sa COVID testing at vaccination sa buong bansa. — sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author