Nagsagawa ang Pilipinas at America ng Cope-Thunder Exercise, isang primary flight operation na nagsimula kahapon hangang May 12 sa Clark Air Base, Pampanga.
Kabilang sa ensayo ang 160 United States Air Force at 400 Philippine Air Force, na naglalayon ng isang Air to Air Operations at Subject Matter Expert Exchanges.
Hangad ng bawat bansa ang responsableng pagpaplano at koordinasyon sa iba’t ibang eroplanong pandigma para sa isang defensive counter air at offensive counter air operations.
Ang unang linggo ng pagsasanay ay tututok sa Defensive Counter Air kung saan aaralin ang tracking at pagtugis sa mga aatakeng kalaban habang isasagawa naman sa ikalawang linggo ang Offensive Counter Air kung saan tatalakayin naman ang pag-atake sa kalaban.
Taong 1976 ng magsimula ang Cope Thunder exercises na ang pangunahing layunin ay mabigyan ng flight training ang mga kaalyadong bansa ng US, ngunit pansamantalang itinigil ito sa Pilipinas noong 1990 at muling ibinalik dahil sa bilateral exercise makalipas ang tatlong dekada. —sa ulat ni Jay de Castro