dzme1530.ph

Gobyerno, hindi dapat puro job fair at ayuda lang —Sen. Pimentel

Hinimok ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang gobyerno na huwag makuntento sa pagsasagawa lamang ng job fair tuwing Labor Day at pagbibigay ng ayuda sa mga manggagawa.

Kasabay nito, nagpahayag ng suporta si Pimentel sa isinusulong na legislated wage hike upang itaas ang tinatanggap ngayon na minimum na sahod ng mga manggagawa.

Sinabi ni Pimentel na dapat maging mas imaginative ang gobyerno sa pagtugon sa pangangailangan ng labor sector lalo’t pahirap nang pahirap ang buhay.

Iginiit ng senador na panahon nang reviewhin ang tinatanggap na sahod ng mga manggagawa kung kaya pa nitong bumuhay ng pamilya dahil long overdue na anya ang dagdag na sahod.

Naniniwala si Pimentel na kung maisasabatas ang legislated wage hike bill ay milyong mga manggagawa ang makakaagapay sa hirap ng buhay ngayon.

Dapat anyang tiyakin na patas na wage hike ang matatanggap ng bawat manggagawa para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga pamilya. — sa ulat ni Dang Garcia

About The Author