dzme1530.ph

Debt Service Bill, lumobo sa mahigit P375-B noong Pebrero

Umakyat sa P375.714-B ang Debt Service Bill ng national government noong Pebrero bunsod ng malaking itinaas sa amortization payments, ayon sa Bureau of Treasury (BTR).

Sa datos mula sa BTR, lumobo ng 1,135% ang February debt service bill mula sa P30.423-B na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa month on month, tumaas ng 685.5% ang debt payments mula sa P47.831-B noong Enero.

Sa total debt service bill noong Pebrero, malaking bahagi nito o 90.9% ay ibinayad sa amortization habang ang natitira ay napunta sa interest payments.

Ang principal payments noong ikalawang buwan ng taon ay sumirit sa P341.605-B mula sa P2.193-B noong February 2022 at P861-M naman noong Enero. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author