dzme1530.ph

TUPAD program, panahon nang isabatas para maging permanente

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na panahon nang isabatas ang TUPAD program ng gobyerno upang maging permanente at mas marami ang makinabang.

Sa pamamahagi ng TUPAD pay-out sa Baliwag, Bulacan ngayong Labor Day,  sinabi ni Villanueva na mahalagang masolusyunan ang malaking bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Sa ilalim ng panukala ni Villanueva, mula sa 10 araw ay maaaring palawigin ang TUPAD days ng hanggang 20 o 30 araw na nangangahulugan ng dagdag kita sa mga benepisyaryo.

Sinabi ni Villanueva na kasabay ng TUPAD ay ang pagsasailalim sa training ng mga manggagawa batay sa kung anong industriya sa bawat lugar.

Sa ganitong paraan ay tiyak na magkakaroon ng trabaho at kabuhayan ang mga sasalang sa training.

Ngayong araw ng Labor Day ay pinangunahan ni Villanueva ang TUPAD pay-out sa halos 1,500 benepisyaryo sa mga bayan ng Baliwag, Bulacan, Meycauayan, San Jose del Monte at Doña Remedios Trinidad. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author