Isinaligal na ng Health Ministry ng Japan ang pagbebenta ng abortion pill hanggang sa ika-22 linggo ng pagbubuntis.
Sa abiso ng ministry, kailangan lang ay parehong sumang-ayon ang mag-asawa sa desisyong ito at isasagawa lamang sa pamamagitan ng operasyon.
Pinaalalahanan naman nito ang mga healthcare official na pinag-aaralan na ng ahensya kung papalusutin ang abortion pill na gawa ng British pharmaceutical company na Linepharma.
Nabatid na ipinanukala noong Disyembre 2021 ang pag-apruba sa naturang drugmaker para makapag distribute ng kanilang gamot sa nasabing bansa.
Samantala maliban sa Japan, pinapayagan na rin ang paggamit ng abortion pill sa mga bansang France at Amerika. —sa panulat ni Jam Tarrayo