Pumalo na sa P136 kada kilo ang presyo ng asukal sa merkado, ayon sa pinakahuling price monitoring report ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ayon sa SRA, ito ay kahit na gabaha na ang dami ng imported na asukal ay naglalaro pa rin sa P90.95 hanggang P136 per kilo ang presyo ng refined sugar sa groceries at P88 naman hanggang P110 per kilo sa wet market.
Habang aabot naman sa P85 hanggang P120 per kilo ang washed sugar sa grocery stores at P85 hanggang P95 ang kada kilo sa market.
Para naman sa raw sugar, naglalaro sa P85.60 hanggang P111 per kilo ang halaga sa supermarkets at P80 hanggang P90 kada kilo sa pampublikong pamilihan.
Samantala, sinabi naman ni newly appointed SRA acting Administrator Pablo Azcona na ang imposition ng SRP na P85 per kilo at ang pagbebenta ng mga nasabat na smuggled na asukal sa Kadiwa outlets sa halagang P70 kada kilo ay magpapababa sa presyo ng sweetener. —sa panulat ni Jam Tarrayo