Patay ang 10 pulis at 1 sibilyan sa naganap na pagsabog sa Central Chhattisgarh, India.
Nangyare ang insidente nang pabalik na sana ang mga biktima galing sa isang operasyon laban sa mga rebelde.
Ayon kay Indian Prime Minister Narendra Modi, itinuturong suspect dito ay ang mga miyembro ng rebel Maoist Militants na kilala rin bilang Naxals.
Ani Modi, naglunsad ang mga ito ng mga pag-atake sa government forces sa pagtatangkang ibagsak ang estado.
Ang mga ito aniya ay higit na aktibo sa gitnang india, sa mga liblib na rehiyon na pangunahing pinaninirahan ng mga tribo.
Kasunod nito, binigyang diin ni Modi na mariing kinokondena ng kanilang gobyerno ang pag-atake at nagpaabot din siya ng kanyang pagpupugay at pakikiramay sa katapangan ng mga nasawi at sa naiwan nilang mga mahal sa buhay. —sa panulat ni Jam Tarrayo