![]()
Kinilala si Heart Evangelista bilang fashion icon sa Harper’s Bazaar Women of the Year 2026 Awards sa Bangkok, Thailand.
Tinanggap ng Sparkle star ang Fashion Icon Award na prinésent ng CEO ng Digizen Company Limited na si Alu Ziani.
Kasabay nito ay nagpasalamat ang aktres sa naturang parangal, gayundin sa magazine na naging dahilan upang maisakatuparan ang okasyon.
Noong September ay itinanghal si Heart bilang TP Celebrity Voice sa New York Fashion Week for Spring/Summer 2027.
Mayroon din siyang upcoming reunion movie kasama si John Prats na ire-release sa February sa susunod na taon.
