![]()
Minamadali ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Amateur Baseball Association (BPABA) ang renovation sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
Ang venue kung saan naglaro ang baseball legends na sina Lou Gehrig at Babe Ruth ay kasalukuyang isinasailalim sa kauna-unahang major overhaul simula nang buksan ito noong 1934.
Ibinahagi ng PSC Chairman Patrick Gregorio ang updates sa renovation ng Rizal Memorial Baseball Stadium sa signing ceremony ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng FIFA, PSC, at ng Philippine Football Federation noong Linggo.
Sinabi ni Gregorio na 24/7 ang konstruksyon dahil kailangan nilang matapos ito sa Nov. 30 para sa hosting ng Pilipinas sa East Asia Baseball Cup.
Umaasa aniya sila na maiimbitahan nila si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa inagurasyon na gaganapin sa Dec. 7.
