![]()
Nakatakdang i-upgrade ng Department of Transportation (DOTr) ang karagdagang bus stations, habang pinag-aaralan ng ahensya ang unified design bago ang private turnover ng imprastraktura.
Bini-bid out ng DOTr ang ₱217.11-million contract para sa disenyo at pagtatayo ng second segment ng rehabilitation works sa EDSA Busway.
Saklaw ng rehabilitasyon ang Fernando Poe Jr. (dating Roosevelt), Quezon Avenue, at Taft Avenue stations, na ilan sa mga pinakaabalang istasyon.
Kailangang makumpleto ang proyekto sa loob ng isang taon, at dapat palawakin ng contractor ang station platforms at waiting sheds, at ibalik ang busway equipment, gaya ng countdown timers.
