![]()
Inatake ng Ukraine sa ikatlong pagkakataon ngayong linggo ang Crimean Bridge, ayon sa isang opisyal ng Russia.
Kinumpirma ni Crimea Head Sergei Aksyonov na pansamantalang nahinto ang trapiko kasunod ng panibagong pag-atake sa tulay na nag-uugnay sa Russia hanggang sa inokupang Crimea.
Una nang inatake nang dalawang beses ang critical bridge nitong mga nakaraang araw na nagresulta ng matinding pinsala at pagbagsak ng bahagi ng tulay sa tubig.
Matagal nang tinatarget ng Ukraine ang Crimean Bridge dahil sa kahalagahan nito bilang logistical at symbolic asset sa war effort ng Moscow.
