![]()
Idineklara ng National Capital Region Police Office o NCRPO na matagumpay ang kanilang security operations para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Sa kabila ito ng pag-aresto sa mahigit 200 indibidwal dahil sa protesta sa pagsisimula ng summit.
Ayon kay NCRPO Regional Director at Task Group Commander Police Brig. Gen. Christopher Abrahano, wala silang nabeberipikang anumang security threat sa main activities ng summit.
Ipinagtanggol din ng NCRPO ang deklarasyon nilang generally peaceful ang aktibidad, sa pagsasabing hindi ito nangangahulugang walang anumang insidente kundi agad nilang napigilan ang anumang pagtatangkang panggulo sa mga aktibidad.
