![]()
TINIYAK ni Senate President Sherwin Gatchalian na handa ang senado na suportahan at pag-aralan ang mga kasunduang nabuo sa katatapos lamang na 49th ASEAN Summit and Related Summits upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Gatchalian, umaasa siyang ang mas pinalalim na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansa sa ASEAN at iba pang kasangguniang bansa ay magdudulot ng mas maraming pamumuhunan, tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya at karagdagang oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.
Welcome din kay Gatchalian ang kinalabasan ng ASEAN-US Special Summit, partikular ang pagpapatibay sa 10 Public-Private Partnership principles na layung labanan ang mga online scam.
Bilang nagsulong ng mga panukala laban sa mga transnational scam hub at cyber-fraud networks gaya ng pogo, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng mas pinatatag na kooperasyon sa pagbibigay proteksyon sa mga pamilyang Pilipino laban sa panloloko sa pananalapi at human trafficking.
Iginiit ng senador na mahalagang matiyak na ang pag-unlad ng ekonomiya ay sinasabayan ng ligtas at seguradong kapaligiran.
Idinagdag ni Gatchalian na dapat matiyak na makikinabang ang bawat Pilipino sa mga benepisyo ng mas matatag at nagkakaisang ASEAN
