![]()
Kwestyonable sa prosekusyon ang pagpresenta ng Defense Panel ng AMLC expert bilang testigo sa impeachment trial ni VP Sara Duterte.
Punto ng prosekusyon, walang relevance ang opinion ni Atty. Rainer dela Fuente ng AML Consulting PH dahil mismo si AMLC Exec. Dir. Ronel Buenaventura na ang tumistigo ukol sa batas at financial transactions na siyang sentro ng prosecution’s case.
Ayon kay Atty. Jay Tolosa Jr., hindi lecturer si Buenaventura dahil siya mismo ang head ng AMLC na may kakayahang magpaliwanag ng general principle ng batas.
Matatandaan na sa testimonya ni Buenaventura, inilahad nito ang financial records at maraming substantial transactions na kinasangkutan ng Pangalawang Pangulo, Atty. Manases Carpio at mga corporate entities na konektado sa sinasabing declared financial interests.