dzme1530.ph

LIMA HANGGANG ANIM NA KATAO, HULING BATCH NG DEFENSE PANEL NI VP SARA DUTERTE NA IHAHARAP SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Lima hanggang anim na lamang ang huling batch ng mga testigong target iharap ng Defense Panel ni Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa December.
 
Ayon kay Defense Spokesperson Atty. Michael Wesley Poa, bukod ito sa apat na testigong nakatakda nilang isalang ngayong linggo.
 
Sinabi ni Poa na kailangan din muna nilang pag-aralan ang magiging schedule ng trial sa December upang itugma sa availability ng kanilang mga target na testigo.

About The Author