![]()
Nilisan ng mga Palestinian ang kanilang mga tent at shelters sa Central Gaza makaraang maglunsad ang Israel ng pambihirang ground raid sa lugar na iniwan na nila sa ilalim ng 2025 ceasefire.
Nangyari ang ground advance, kung saan makikita ang mga tangke ng Israel sa kahabaan ng North-South Salahudeen Road, matapos akusahan ng US-backed body na nangangasiwa sa truce ang Israel at Hamas na bigong tuparin ang kanilang pangakong tapusin na ang kaguluhan.
Inihayag naman ng Israeli military na binalaan nila ang mga sibilyan na iwasan ang lugar.
Samantala, iginiit ng Hamas na ang pag-atake ng militar at puwersahang pagpapalikas sa mga Palestinian ay paglabag sa ceasefire at isang mapanganib na hakbang.
