Ang apple cider vinegar ay gawa sa binurong asukal mula sa mga mansanas.
Taglay nito ang acetic acid na pangunahing aktibong sangkap ng suka na tiyak na may benepisyo sa ating kalusugan.
Ito ay nakakabawas ng inflammation o pamamaga sa bahagi ng katawan, mabisang antioxidant, nagpapababa ng lebel ng blood sugar at ng presyon ng dugo.
Mainam din ang apple cider bilang panggamot sa sugat dahil ito ay may antimicrobial properties at epektibong pampabawas ng timbang.
Ngunit, mahalagang paalala, ang acv ay hindi dapat inumin nang tuloy-tuloy at nararapat lamang na alamin ang mga procedure ng paggamit nito. —sa panulat ni Airiam Sancho