dzme1530.ph

COVID-19 death toll ngayong taon, bumaba ng 95% —WHO

Bumulusok sa 95% ang bilang mga nasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon.

Paliwanag ng World Health Organization (WHO) na kahit na bumaba ang bilang ng mga namamatay ay nananatili pa rin ang presensya ng virus.

Kung kaya’t nagpaalala ang WHO sa publiko na dapat ay magkaroon ng sapat na kaalaman ang bawat bansa sa non-emergency effects ng COVID-19 kasama ang post COVID-19 condition o tinatawag na Long COVID.

Gayunman inamin ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na may ilang bansa pa rin ang nakapagtala ng aabot sa 14,000 COVID-19 death toll noong mga nakaraang linggo. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author