dzme1530.ph

Oil spill sa Oriental Mindoro, may malaking “breakthrough” —DOJ

May mga malaking “breakthrough” ang oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang bahagi ng naging pahayag ni Justice Usec. Raul Vasquez, sa naganap na ika-4 na Inter-Agency Meeting sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa tumagas na langis mula sa MT Princess Empress.

Saad ni Vasquez, ang unang breakthrough ay ang commitment ng “protection and indemnity insurance” na magsagawa ang retrieval operations partikular sa industrial oil na nasa loob pa rin ng motor tanker.

Aniya, kinukunsidera na ang langis sa 3 mula sa 8 containers sa MT Princess Empress ay hihigupin, or kaya’y itataas ang motor tanker pero depende na ito sa technical assessment.

Isa pang breakthrough, ani Vasquez, ay pagdalaw ng International Oil Pollution Compensation (IOPC) na pagpapakita ng commitment na i-settle ang lahat ng claims ng mga naapektuhan ng oil spill.

Paliwanag ni Vasquez, ang IOPC ang humahawak sa pondo na may kinalaman sa maritime disasters, at ang Pilipinas ay isang member state sa convention na bumuo ng IOPC.

Nang matanong naman si Vasquez kung posible bang mahigop ang mga langis sa MT Princess Empress, sinabi niya na “oo” at ito ang pangunahing target ng inter-agency at maghanap ng mga pinal na solusyon sa Mindoro oil spill. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author