dzme1530.ph

Booster shot para sa 12 anyos pababa, hindi pa irerekomenda ng DOH

Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para irekomenda ang pagbibigay ng booster shots sa mga batang 12 anyos pababa.

Ayon kay Health Officer in Charge Usec. Maria Rosario Vergere, wala pang pag-aaral na nagsasabing pwede nang iturok ang booster shots laban sa COVID-19.

Ani Vergeire kahit sa mga pag-aaral ng World Health Organization, ay wala pa ring rekomendasyon na maaari nang magbigay ng booster vaccine sa mga kabataan 12 years old and below. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author