dzme1530.ph

1.2K na bata, namamatay kada taon dahil sa air pollution —EEA

Pumalo na sa mahigit 1,200 na bata sa Europe ang maagang namamatay kada taon dahil sa malalang air pollution, ayon sa European Union Environmental Agency (EEA).

Lumabas sa pag-aaral ng environmental agency na sa 30 bansa kabilang na ang 27 kasapi sa EU, ay nagkaroon ng improvement sa lebel ng mga pangunahing pollutants sa hangin ngunit nananatiling mataas pa rin ang air pollution sa Gitnang-Silangan ng Europa at Italy.

Nilinaw ng EEA na hindi pa kasama sa nasabing datos ang mga pangunahing bansa sa industriya gaya ng Russia, Ukraine, at United Kingdom kung kaya’t may posibilidad na sumirit pa ang magiging kabuuang bilang ng mga nasawi sa nasabing kontinente. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author