dzme1530.ph

Comelec, nanawagan sa publiko na ipa-rehistro na ang kanilang sim

Umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na ipa-rehistro na ang kani-kanilang sim cards.

Ito ay kasunod ng pasya ng gobyerno na palawigin pa ng 90-araw ang sim registration.

Sa isang media forum sa Harbor, Maynila, ipinahayag ni Comelec chairman George Garcia na hindi saklaw ng hurisdiksyon ng poll body ang usapin, pero sila mismo ay suporta sa panawagan ng pamahalaan na maiparehistro ang lahat ng sim cards sa bansa.

Tugon pa ni Chairman Garcia na, naniniwala ang Comelec na malaking tulong ang sim registration para kontrahin at malabanan ang mga dumaraming “troll” maging ang kumakalat na “fake news” lalo na tuwing panahon ng eleksyon sa bansa.

Matatandaan aniya na naging talamak ang mga trolls at mga pekeng balita laban sa mga pulitikong kumakandidato noong nakalipas na Eleksyon 2022, kung saan gamit ang mga sim card sa naturang issue. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author