Pumalo na sa halos 1.1-B na scam at spam messages ang naharang ng Globe sa unang kwarter ng 2023 alinsunod sa kampanya ng pamahalaan kontra online fraud at Sim Registration Act.
Ayon sa pamunuan ng Globe, tumaas ng limang beses ang natatanggap na spam at scam messages kumpara sa 217.31-M na naiatala noong unang kwarter ng 2022.
Sumirit din ang bilang ng mga blasklisted na simcard o numero mula sa 1,812 noong 2022 ay umabot na sa 22,455 ngayong unang tatlong buwan ng 2023.
Noong nakaraang taon ay nakapagtala ang Globe ng 2.72-B scam at span messages, doble ng 1.15-B sa bilang noong 2021.
Samantala Pebrero ngayong taon, nakapagtala naman ang Smart communications ng mahigit 5-M scam at spam messages at halos 40,000 mobile numbers ang dineactivate dahil napatunayang sangkot sa fraudulent activities. —sa panulat ni Jam Tarrayo