dzme1530.ph

Benepisyong makukuha sa guyabano, alamin!

Ang guyabano o soursop sa ingles ay isang maliit na puno na ang bunga ay may matamis at maasim-asim na lasa.

Batay sa isang pag-aaral na isinagawa ng Department of Science and Technology (DOST) noong 2013, ang guyabano ay puno ng carbohydrates, dietary fiber, mga bitamina gaya ng B1, B2, at C.

Mayaman din ang prutas na ito sa acetogenins at antiproliferative properties na makatutulong upang sugpuin at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na cancer.

Taglay rin ng guyabano ang antioxidant, antihypertensive, at antiparasitic properties na nakatutulong upang mapalakas ang ating resistensya. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author