dzme1530.ph

Subsidiya sa mga GOCC, bumagsak ng halos 26% noong Pebrero

Bumaba ng 25.9% ang subsidiya na ibinigay sa Government-Owned and-Controlled Corporations (GOCCs) noong Pebrero kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, batay sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury.

Umabot lamang sa P9.401-B ang budgetary support sa goccs noong ikalawang buwan ng 2023 kumpara sa P12.688-B na naitala noong Februrary 2022.

Pinakamalaki ang natanggap na subsidiya ng National Irrigation Authority na nasa P6.780-B, sumunod ang National Food Authority, P637-M habang pangatlo ang Philippine Heart Center na binigyan ng P294-M. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author