Walang nakikitang sapat na dahilan sina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senador Win Gatchalian upang palawigin pa ang deadline sa registration ng sim.
Ipinaalala ni Pimentel na isa sa layunin ng Sim Registration law ay matukoy ang mga SIM na hindi na ginagamit o hindi na kailangang iactivate.
Mas makabubuti pa nga ayon kay Pimentel na ang 44% ng sim na nagparehistro na lamang ang panatilihing active.
Sinabi naman ni Gatchalian na sadyang hindi matatamo ang 100% sim registration dahil lumilitaw na marami sa ating mga kababayan ang nagmamay ari ng multiple sim cards
Kaya natural lang anya na bumaba ang bilang ng prepaid sim pagdating sa registration dahil sa hindi na irerehistro ang ibang sim.
Sa ilalim ng batas hanggang sa miyerkules, April 26 na lang ang huling araw ng registration ng sim subalit nasa kamay ng Department of Information and Communications technology (DICT) ang pagpapasya kung palalawigin pa ito.
Layunin ng Sim Registration law na matigil ang mga krimen gaya ng human trafficking, online sexual abuse at exploitation ng mga bata, terorismo at financial scam. —sa ulat ni Dang Garcia