Suportado ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang “Anti-Bill Shock” ang bagong lending program ng Landbank of the Philippines na layong sugpuin ang epekto ng mataas na singil sa kuryente sa mga consumer.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si ERC Chairperson Monalisa Dimalanta sa Landbank sa pagtugon nito sa panawagan na magkaroon ng abot-kayang halaga ng kuryente para sa consumers.
Nabatid na inilunsad ng landbank ang P1.5-B “Anti-Bill Shock” lending program noong nakaraang linggo.
Ang “Anti-Bill Shock” ay nangangahulugang ay tulong upang paliitin ang incremental power cost ngayong tag-init, sa paraan ng financing initiative ng Landbank. —sa panulat ni Airiam Sancho