Binigyang-pugay sa Malakanyang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga atletang Pinoy na nagwagi kamakailan sa iba’t ibang torneyo sa ibang bansa.
Nag-courtesy call sa Heroes Hall ang mga miyembro ng Philippine Ice Hockey Team na nanaig sa International Ice Hockey Federation World Championships Division sa Mongolia, at Makati Football Club na nangibabaw sa Paul Parker Championship Cup sa Singapore.
Kasama rin ang mga boksingerong sina IBF at WBA Super Bantamweight Champion Marlon Tapales, IBF, IBO, WBA Oceania, at WBC Asian Boxing Council Super Featherweight Champion Charly Suarez, at WBO World Minimum Weight Champion Melvin Jerusalem.
Samantala, binigyang-pugay din si 2023 Euro Talent Festival’s Stars of the Albion Grand Prix Competition Winner Jex De Castro.
Ayon sa pangulo, ang tagumpay ng mga atletang Pinoy ay tunay na inspirasyon at kayamanan ng ating bansa, kaya marapat lamang na sila ay patuloy na suportahan at kilalanin. —sa ulat ni Harley Valbuena