dzme1530.ph

Libu-libong komunidad, inaasahang mapapailawan na sa inilaang P1.89-B pondo para sa NEA

Inaasahang libu-libong komunidad sa bansa ang mapapailawan sa inilaang P1.89-B na pondo para sa National Electrification Administration (NEA) ngayong taon.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang pondo ay gagamitin sa brgy./sitio electrification project, electric cooperatives emergency and resiliency, at installation ng solar panels sa public buildings.

Pinaka-malaki ang alokasyon sa brgy./sitio electrification project na may P1.68-B, at layunin nitong makabitan ng kuryente ang nasa 1,140 na sitio na may mataas na poverty incidence batay sa Philippine Statistics Authority.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, hindi makakamit ang socio-economic improvement kung mananatiling walang kuryente lalo na ang malalayong brgy. o sitio.

Ang electrification programs ay alinsunod din sa mithiin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking abot-kaya at sapat ang enerhiya sa bansa lalo na sa panahon ng mga kalamidad at emergencies.

About The Author