dzme1530.ph

NPC, ipinatawag ang government agencies na iniuugnay sa umano’y data breach

Ipinatawag ng National Privacy Commission (NPC) ang mga ahensya ng pamahalaan na iniuugnay sa umano’y data breach para sa pulong ngayong hapon.

Una nang isiniwalat ng isang cybersecurity firm na 1.2-M records ng mga empleyado at aplikante ng government agencies ang nag-leak online. 

Sa report ng VPN mentor, kabilang sa mga ahensyang sangkot ay ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nilinaw ni NPC Complaints and Investigation Division Chief Atty. Michael Santos, na kinikilala nila ang reports ng cybersecurity firms, kasabay ng pagsasabing nakikipagtulungan ang mga ito sa pamahalaan upang maprotektahan ang mga system.

Gayunman, ang report na 1.2-M data breach ay hindi muna aniya dumaan sa NPC, na dapat sana ay nabigyan ng mas mabilis na tugon.

Ipinaalala ni Santos na may mandato ang NPC na magpataw ng administrative fines, at mayroong kapangyarihan na mag-rekomenda ng criminal charges sa mga mapatutunayang nagpabaya sa pangangalaga ng personal data ng mga Pilipino. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author