dzme1530.ph

Sim registration, makatutulong sa digital payments ng ayuda sa mahihirap ayon sa NEDA at DTI

Kapwa inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) at National Economic and Development Authority (NEDA) na ang sim registration ay makatutulong sa mas maayos na pagpapaabot ng ayuda sa mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng digital payments.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na sa pamamagitan ng sim registration ay matitiyak na makararating sa targeted groups ang tulong mula sa gobyerno.

Sinabi pa ni Balisacan na layunin nitong masawata ang lahat ng uri ng scam at pag-abuso sa teknolohiya.

Samantala, iginiit naman ni Trade Sec. Alfredo Pascual na sa digital payments ay kailangang masiguro na ang komunikasyon ay nanggagaling sa isang known source o kilalang source at hindi mula sa isang unregistered sim.

Idinagdag pa ng DTI Sec. na sa pamamagitan ng sim registration ay matutulungan ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na mas madaling makapagbenta ng mga produkto online, habang binigyang diin ng NEDA na ito ang daan sa mas mabilis na pagtahak sa digitalization ng ekonomiya. —sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author