dzme1530.ph

Halos 90 Pinoy sa Sudan, humiling na ma-repatriate

Aabot sa halos 90 Pilipino na apektado ng karahasan sa Sudan ang humiling sa Embahada ng Pilipinas sa Egypt na mailikas at marepatriate. 

Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega matapos sabihin ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago na nakatanggap sila ng 87 request mula sa mga Pinoy na tulungan silang makaalis sa Khartoum o kaya naman ay maka-uwi ng bansa. 

Ayon kay De Vega, pinayuhan nila ang nasa 400 Pinoy sa Sudan na manatili sa kanilang bahay habang gumagawa ng paraan ang embahada na masuplayan sila ng mga pagkain. 

Maaari rin aniyang makipag-ugnayan ang mga apektadong Pilipino sa facebook page ng embahada na www.facebook.com/phinegypt o tumawag sa (+20) 122 7436 472 sa pamamagitan ng whatsapp. 

Samantala, pumalo na sa halos 300 ang nasawi habang higit 2,000 ang sugatan dahil sa bakbakan sa pagitan ng armed forces at paramilitary group sa Sudan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author