dzme1530.ph

Resolusyon para sa pagkilala sa legasiya ni dating DFA Sec. del Rosario, inihain sa senado

Isinusulong ni Senador Risa Hontiveros ang resolusyon na magbibigay pagkilala kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario partikular sa naging papel nito sa laban ng bansa sa karapatan sa teritoryo sa West Philippine Sea. 

Sa kanyang Senate Resolution No. 572, inilarawan ni Hontiveros  ang yumaong cabinet secretary bilang isang hands-on diplomat, mild mannered pero may paninindigan at kinatawan ang bansa nang may karangalan at dignidad.

Kilala rin anya si del Rosario sa pagdidipensa ng interes ng bayan  kasama na ang pakikipaglaban para sa mga Overseas Filipino Workers na nalalagay sa alanganin na sitwasyon sa mga distressed countries bukod pa sa pagtatanggol sa security interest ng Pilipinas.

Nakasaad sa resolusyon ang pag-alala sa naging papel si del Rosario sa tagumpay ng bansa sa ruling ng The Hague noong 2016 na kumilala sa legitimate rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea alinsunod sa prinsipyo ng United Nations Convention of the law of the Sea (UNCLOS).

Sinabi ni Hontiveros na ipinakita ni del Rosario sa mundo na ang bansang tulad ng Pilipinas ay may kakayahang protektahan ang karapatan nito sa sariling teritoryo kahit ang kalaban ay global giant tulad ng China.

Bukod dito,si del Rosario anya ay isang public servant na walang bahid ang integridad kaya’t ang kanyang legasiya ay patuloy na dapat kilalanin at buhayin. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author