Ang luyang dilaw o turmeric ay isang uri ng halaman na kahawig ng luya at ginagamit din sa pagluto ng iba’t ibang putahe.
Ito’y kadalasang ginagawang powder sa pamamagitan ng paglaga at pagpatuyo o pagpino nito.
Taglay ng luyang dilaw ang mga bitamina at mineral gaya ng vitamins b at c, potassium, sodium, iron, proteins, fiber at iba pa na tiyak na may benepisyo sa ating kalusugan.
Ito ay may curcuminoids, isang bioactive compound na mabisang anti-oxidant at anti-inflammatory na makatutulong upang maiwasang magkaroon ng sakit na diabetes.
Nagpapatalas din ng brain function ang luyang dilaw at napapababa nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng brain disease, heart disease arthritis, depression, at anumang uri ang age-related chronic diseases. —sa panulat ni Airiam Sancho