dzme1530.ph

Mindanao-Visayas Grid Link project ng DOE, nakatakdang makumpleto sa Hulyo 2023

Inaasahan ng Department of Energy (DOE) na makukumpleto na ang P52-B Mindanao-Visayas Interconnection Project (MVIP) sa buwan ng Hulyo ng taong ito. 

Ayon kay DOE Undersecretary Rowena Guevara, dapat ay partially completed na ang MVIP nitong katapusan ng Marso ngunit sumailalim sa testing at commissioning ang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). 

Sinimulan aniya ng NGCP ang testing sa 80 megawatts at itataas sa 225 megawatts pagsapit ng Hunyo hanggang umabot ng 450 megawatts sa Hulyo. 

Layunin naman ng proyektong ito na ma-secure ang suplay ng kuryente at mapakinabangan ng lokal. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author