Lumabas sa pagsusuri ng Philippine Ports Authority (PPA) sa ginawang post-mortem examination, 3 araw mula ng makita ang pasahero na wala nang buhay sa Port ng Dumaguete City matapos ang ginawang imbestigasyon ng PNP Dumaguete/SOCO katuwang ang City Health Office ng Dumaguete.
Ayon sa resulta ng imbestigasyon, cardiac arrest ang naging dahilan ng pagkamatay ng lalaki na kinilala bilang si Chrisler Yunting Y Bernardo, 43 taong gulang, nakatira sa San Juan, Siquijor.
Matatandaan na isang tawag mula sa otoridad ng Dumaguete ang kanilang natanggap mula sa duty officer guard ng PPA, kaugnay ng nakita nitong bangkay ng isang pasahero sa loob ng waiting area ng Passenger Port terminal building.
Ayon sa nakakitang security guard na si Cadayona, sinubukan pang niyang gisingin si Bernardo para makasakay na ito sa hinihintay na barko ngunit hindi na ito nagpakita ng senyales na mayroong pang buhay o malay. —sa ulat ni Felix Laban