Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang patuloy na pagpapaabot ng tulong sa mga pinoy na bumabangon pa rin mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa distribusyon ng iba’t ibang gov’t assistance sa San Jose Del Monte City sa Bulacan, sinabi ng pangulo na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang tulungan ang publiko, ang maliliit na negosyante, at lahat ng nangangailangan.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na tututukan nila ang paglikha ng mga disente at dekalidad na trabaho.
Layunin din ng mga tulong ng gobyerno na maibsan ang epekto ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sa nasabing distribution ceremony, ipinamahagi ang combine harvesters, negokarts, sari-sari store packages, at iba pang livelihood assistance sa mga benepisyaryo. —sa ulat ni Harley Valbuena