Umabot na sa P4.31-T o 81.9% ng 2023 National Budget ang nai-release na ng Department of Budget and Management (DBM) hanggang noong katapusan ng Marso.
Ayon sa DBM Status of Allotment Releases Report, P954.4-B mula sa P5.268-T budget ngayong taon ang nananatiling undistributed.
Ang bilis ng pag-release ay mas naka-ungos ng 69.4% rate kumpara noong katapusan ng Marso ng nakaraang taon.
Ang mga ini-release para sa government agencies at departments ay nagkakahalaga ng P2.95-T, para sa utilization rate na 93.8%.
Ang special purpose funds naman ay umabot na sa P147-B o 28.6% ng budgeted funds ngayong taon habang ang releases para sa automatic appropriations ay P1.07-T o 66.4% ng kabuuang pondo. —sa panulat ni Lea Soriano