Ang labanos o radish sa ingles ay isang kilalang gulay na inilalagay sa ilang putahe tulad ng sinigang.
Taglay ng gulay na ito ang maraming bitamina at mineral gaya ng vitamin C, potassium, fiber, iron, calcium, at folic acid na nakatutulong upang maging malusog ang ating katawan.
Mainam ang pagkain ng labanos upang mapaganda ang buhok at balat, mapabuti ang atay, ma-regulate ang glucose level upang maiwasan ang sakit na diabetes, lunas sa mga taong constipated at pagbabawas ng timbang. —sa panulat ni Airiam Sancho