dzme1530.ph

Court martial proceedings laban kay dating PSG Commander Jesus Durante III, sisimulan na ngayong linggo

Isasalang na sa court martial ang dalawang matataas na opisyal ng army na idinadawit sa pagpaslang sa isang modelo sa Davao City noong Disyembre ng nakaraang taon.

Anumang araw ngayong linggo ay maari nang mag-convene ang military court kasunod ng pagre-review sa administrative charges laban kina dating Presidential Security Group Chief Brig. Gen. Jesus Durante III at Col. Michael Licyayo kaugnay ng kanilang pagkakasangkot sa pagpatay kay Yvonette Chua Plaza.

Ayon sa army, kasalukuyang naka-ditine sina Durante at Licyayo sa Eastern Mindanao headquarters sa Camp Panacan sa Davao City para sa Court Martial Proceeding.

Ang mga kasong murder, theft at obstruction of justice ay isinampa naman sa isang civilian court noong Enero laban sa mga suspek sa pagpaslang kay Plaza.

December 29, 2022 nang barilin nang malapitan ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo ang biktima na isa ring negosyante. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author