53% ng mga pamilyang Pilipino ang nakatanggap ng tulong habang 47% ang hindi noong huling quarter ng 2022.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong December 10 hanggang 14, 2022 sa 1,200 adult respondents, naitala ang pinakamataas na bilang ng walang natanggap na tulong sa Visayas, sinundan ng Metro Manila, balance Luzon, at Mindanao.
Kaugnay nito, ang pinaka karaniwang paraan ng pagtulong ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera na may 32%, sinundan ng pagkain na may 25%, at inutang na pera na may 6%.
Kasama naman sa iba pang paraan ng pagtulong ay ang pagbibigay ng non-food items, suporta sa pag-aaral o training, iba’t ibang uri ng serbisyo at trabaho.
Samantala, ipinapakita sa survey na 60% ng natanggap na tulong ay mula sa gobyerno, 37% sa kamag-anak, 11% sa mga kaibigan, 3% sa private companies at government organizations, at 1% mula sa religious groups. —sa panulat ni Airiam Sancho