Inaani na ngayon ng mga residente ng Sitio Cuarenta ang mga benepisyo ng natapos na road widening project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Barangay Dayap, Sta. Cruz, Occidental Mindoro.
Ang proyekto ay ipinatupad ng DPWH Mindoro Occidental District Engineering Office na pinondohan sa halagang ₱27.8-M sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA).
Sa naging pahayag ni DPWH Region 4-B Director Gerald Pacanan, kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na saklaw ng proyekto ang pagtatayo ng karagdagang 3.5-meter wide na pavement at 2.5-meter wide shoulders sa magkabilang panig, kasama ang 1.5-kilometer na bahagi ng Mindoro West Coastal Road.
Kasama rin sa proyekto ang pagtatayo ng stone masonry, box culvert, at intermittent grouted rip rap slope protection structure sa mga kritikal na lugar.
Saad pa ni Director Pacanan, napabuti ng proyektong ito sa mas madaling transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura, serbisyo, at mga tao mula sa Sitio Cuarenta patungo sa Town Proper. —sa ulat ni Felix Laban