Opisyal nang inilipat ng Manila international Airport authority (MIAA) kahapon, April 16 ang 5 foreign airlines mula NAIA Terminal 1 sa terminal 3.
Ayon sa MIAA layun nito para balansehin ang kapasidad ng apat na terminal ng NAIA lalo na ngayong dagsa na ang mga pasaherong papasok at palabas ng bansa.
Kabilang sa mga inilipat ang Jetstar Asia, Jetstar Japan, Scoot, China Southern Airlines at Starlux Airlines sa NAIA Terminal 3.
Sa July 1 naman ay malilipat din ang dalawang foreign airlines kabilang ang Ethiopian Air at Jeju Air mula terminal 1 sa terminal 3.
Lahat ng international flight ng Philippine Airlines ay malilipat na rin mula terminal 2 sa terminal 1.
Samantala mananatili sa NAIA terminal 1 ang 18 foreign airlines kabilang ang:
- Air China
- Air Niugini
- Asiana Airlines
- China Airlines
- China Eastern
- Eva Air
- Gulf Air
- Hongkong Airlines
- Japan Airlines
- Korean Air
- Kuwait Airways
- Malaysia Airlines
- Oman Air
- Royal Air
- Royal Brunei Airlines
- Saudia
- Thai Airways At
- Xiamen Air —sa ulat ni Tony Gildo