Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P72.8-M para sa pagpapalakas ng industriya ng niyog, kape, at cacao sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Lumagda sina DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban at Bangsamoro Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) Minister Mohammad Yacob sa Memorandum of Agreement (MOA), para sa pagsasanib-pwersa sa Coconut-based Coffee and Cacao Enterprise Development Project (C3EDP).
Sa ilalim nito, susuportahan ang small holder coconut farmers sa pamamagitan ng intercropping sa kape at cacao, pagbibigay ng agri-inputs at technical assistance, pag-upgrade ng processing plants, machinery, at equipment, at pagtatatag ng community-based enterprises.
Sinabi naman ni Panganiban na bukas ang DA sa pagbuo ng mas marami pang kasunduan sa MAFAR para sa pagpapalakas ng produksyon ng mga prutas at iba pang high value crops na maaaring mai-export. —sa ulat ni Harley Valbuena